Follow Me On Twitter

Akalain mong nagawa mo pang gawing status message
kung gaano ka kalasing, kawasak, ka-wasted
at kung gaano karami ang isinuka mo kagabi.

Akalain mong nag-abala ka pang magsasagot
ng online quizes kung gaano kataas
ang iyong IQ, kung gaano ka katalino,
kung gaano mo kakilala si ganito
at kung sinong philosopher ang katumbas mo.

Akalain mong kung anu-anong link ang sini-share mo.

Akalain mong napaka-walang kwenta ng pino-post mo
araw araw habang hikaw
na huling suot na lang ang nagpapakilala
sa kabaro mong binura ng bala ang mukha
sa Maguindanao Massacre.

At ngayon, may gana ka pang magmalaking
follow me on twitter.

Akalain mo.

2 thoughts on “Follow Me On Twitter

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s