Kung Sakaling Hindi Mo Sila Naiintindihan

Kung sakaling mapadaan ka sa kanilang libingan, at hindi mo sila maintindihan; Si Kemberly, si Tanya, si Ian, si Nai at ang mga kabataang nauna sa kanila at sa atin- isipin mo ang mga walang pakialam. Ang mga walang ginawa kundi magpaganda at magpalaki ng katawan. Ang mga inuumagang wasak sa gimikan at inuman. Ang mga maagang nambuntis at nagpabuntis. Ang mga abala lang na nangungulekta ng mga high end na sapatos, cellphone at kotse kotsehan. Isipin mo ang mga estudyanteng nagpupustahan sa bilyaran sa oras ng klase. Nagdo-DOTA. Ang mga nagsesex eyeball. Ang mga nagmomotel gamit ang monthly allowance. Ang mga ngasuicide dahel sumama ang girlfriend sa ibang lalake. Ang mga namatay sa gang war at ang mga nagpatayan dahel lang sa munting rason na nagkatinginan ng masama habang nanunuod ng karera ng scooter.

Kung nahihirapan ka pa ding maintindihan, isipin mo ang amerikanong si Jason Aguilar Ivler o Jason Ivler Aguilar whatever. Ang kanyang magilas na tangkang takasan ang NBI arresting team at ang humahabol sa kanyang batas.

Kung hindi mo pa din sila maintindihan, isipin mo ang Pambansang Lakbayan ng Mamamayan, irewind ang daang tinunton ng libong pares ng mga paa para ipagsigawan ang mga panawagang hindi magkasya sa mga streamer at banner at iparinig naman sa Maynila ang mga salitang katulad ng tunay-na-reporma-sa-lupa. Isipin ang pinagmulan ng mga hakbang na hindi natakot, hindi nagpaharang, napagod pero hindi huminto hanggang matagumpay na marating ang Mendiola.

Kung isang araw, maalala mo ang kanilang mga pangalan- Kemberly, Tanya, Ian, Nai ang mga kabataang nauna sa kanila at sa atin at hindi mo pa din sila maintindihan. Isipin ang kanilang kasiyahan sa huling destinasyon ng kanilang paglilingkod sa sambayanan.

Paglilingkod na nagbigay ng pinakamatamis na kalubusan sa kanilang pinaikling pag-iral.

6 thoughts on “Kung Sakaling Hindi Mo Sila Naiintindihan

  1. Ian nasan ka man ngaun lagi mong tagan daan na kami ng kaibigan mo na si suan at jhon rovic ay laging nasa puso namin hanggat kami ay nabubuhay?
    paalam kaibigan Ian sana masaya ka sa landas na tinahak mo?
    lubos na nag mamahal Diocedin Suan Section del pilar 4?

  2. their have lived a life really worth living for, and have given their life fighting for what seemed to be really right and just… isang pagpupugay para kay ‘insang Nai…

  3. Mahirap talagang intindihin. Ang hirap isipin kung bakit lagi k n lang lumilisan ng walang paalam. Hindi mo man lang ako binigyan kahit konting paliwanag kung bakit kelangan mong umalis. Pero s paglipas ng maraming taon na pag asam n makita kang muli, naintindihan ko n rin. Mula noon hanggang ngayon, isa lang ginusto ko..ang maging maligaya ka..kahit ang kapalit nuon ay ang pagluha ko. Ian sana naging masaya ka sa maikling panahon n ginugol mo sa mundo. Sana kung totoong may buhay pagkatapos ng kamatayan, sana makita at maksama ulit kita.

  4. Mahirap talagang intindihin. Ang hirap isipin kung bakit lagi k n lang lumilisan ng walang paalam. Hindi mo man lang ako binigyan kahit konting paliwanag kung bakit kelangan mong umalis. Pero s paglipas ng maraming taon na pag asam n makita kang muli, naintindihan ko n rin. Mula noon hanggang ngayon, isa lang ginusto ko..ang maging maligaya ka..kahit ang kapalit nuon ay ang pagluha ko. Ian sana naging masaya ka sa maikling panahon n ginugol mo sa mundo. Sana kung totoong may buhay pagkatapos ng kamatayan, sana makita at maksama kitang muli.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s