Madzflow

Ang Madzflow ay isang inisyatiba ng mga artista at kaibigan nina Ian Dorado at Tanya Domingo. Numero unong layunin nito ay makakalap ng tulong pinansiyal para sa naiwang pamilya ng dalawang martir.

May dalawang salita sa titulo. Madz, tawagan ng mga aktibistang taga UP sa isa’t isa. Substitute sa bok, kasama, kas, tol, brad etc. Yung isang salitang kabiyak ay flow, pagdaloy, pag-agos at pagpapatuloy.

Ikinasal ng event na ito ang dalawang salita. Madz at flow (halaw na din sa di mapigilan at di papipigil na pagdaloy ng putik mula sa nagngangalit na bulkan) pagpapatuloy ng mga madz nina Ian at Tanya, una sa pagtulong sa naiwang pamilya financially. Pangalawa, pagpapatuloy ng pagbibigay pugay sa buhay at pakikibaka ng dalawa. At pangatlo at higit sa lahat, pagpapatuloy ng pagkakaisa ng mga artista para sa marami pang proyekto na tunay na magbibigay pagkilala sa sakripisyo nina Ian at Tanya.

Maraming grupo ang bumuo ng proyektong ito. Maikli ang preparasyon pero mabilis ang pagtugon -karamihan ay sa event na mismo nagkita at nagkakilala.

Una pa lang Madzflow sa serye ng mga fundraising events na itatanghal sa ngalan nina Ian at Tanya. Nakahanay ang artsale sa Tagaytay at sa College of Fine Arts, ang pagbebenta ng mga bookmark, at ang paglalabas ng literary folio ng mga tula at iba pang sulatin para sa dalawa.

Muli, pasasalamat ang gusto ipaabot ng mga organizer ng event at sa huli, ang pinakamalakas na palakpak ay para sa dalawa- kina Ian at Tanya.

One thought on “Madzflow

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s