Militarisasyon sa UPLB. Weh?

Nakwento ko na dati kung pano isinasa-praktika ang Martial Law sa UPLB habang dito sa Maynila ay pinagdedebatehan pa kung papalawigin ang Batas Militar sa Maguindanao.

Ok, sige rewind.

Bilang paggunita sa pandaigdigang araw ng karapatang pantao, naglunsad ang UPLB Zoom Out sa pakikipagtulungan ng Artists Arrest ng isang exhibit entitled, Factsheet. Ang concept ay tulad pa rin ng naunang exhibit sa UP Diliman, gagawan ng visual interpretation ang isang factsheet ng kaso ng paglabag ng karapatang pantao.

Kasali ako dito. Yung factsheet na napunta sa akin ay ang kaso ng paglalagay kay Carlos Conde sa Order of Battle.

Anyway, matagumpay na nabuksan ang exhibit. Pero kinabukasan, nawawala na ang mga ginamit sa exhibit kabilang ang ilang paintings. At nung hanapin, nakuha sa security office.  At ito ay kinumpit sa nakakandadong pinagtaguan. Kyot? 

Malinaw na pagnanakaw ang ginawa ng mga mokong at shempre isang porma ng represyon sa malayang pamamahayag ng mga organizers at participants ng exhibit.

Yung nenokang nangyare ay isa lang pala sa napakalapad na mukha ng repression sa UPLB. Militarisado na daw ito. Nagkalat ang mga militar at astang militar ang pamamalakad ni Vivian Gonzalez.

Pinaparatangan din ang mga mga lider estudyante na mga NPA.

Napapadalas na din ang pagiging photographer ng mga security officers.

Masakit sa ulo ang arteng ito ni Gonzalez. Karapat dapat na tutulan ng mga estudyante.

Kung ayaw nilang maging NPA ang mga estudyante nila, magbigay sila ng kongkretong dahilan para huwag.

Anyway, just in case nasa Los Banos area kayo punta kayo dito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s