FREE THE MORONG 43

Ilang araw ang nakakaraan, sumambulat sa mga Facebuk status messages ang nangyaring pagdukot at pagtorture sa 43 Healthworkers sa isang farm sa Morong Rizal.

Base sa ilang nakalap na datos, nakaranas ng pisikal na pananakit ang mga biktima. Ang mga kababaihan ay nakaranas din ng sexual na pang-aabuso mula sa kanilang mga “custodian”.

Kabilang sa mga biktima ay asawa ng mahusay na artistang si Neil Doloricon.

Ganundin, personal kong ipinanawagan si Dr Alexis Montes, isa sa mga nakaranas ng matinding pisikal na pananakit [sabi nga niya malapit na dumating sa point na aaminin na niya kung anu man yung gustong ipaamin sa kanya sa sobrang hirap] kinu-kuryente siya at sinusuntok ang dibdib.

Si Dr Montes ay kasama namin sa simbahan [UCCP]. Aktibo siya sa mga gawaing pang-simbahan. Isa siya sa mga elders ng simbahan, kaya sobrang hindi ko ma-imagine na sina-saktan siya ng ganun-ganun na lang. At lalong hindi siya NPA.

Masyadong bobo ang mga dumukot sa kanila at nag-iimbento ng kwento.

Ginanap kanina ang hearing ng isinampang writ of habeas corpus na dinidinig sa Court of Appeals [wala pa akong update kung may substansyal na paliwanag na ang AFP at PNP kung bakit hindi dapat palayain ang 43].

Kasabay nito, nararapat lang na isulong na ang kaso laban sa mga kumag na ito.

Dapat nilang pagbayaran ang kanilang kabobohan.

4 thoughts on “FREE THE MORONG 43

  1. Abangan na lang po natin ang resulta ng imbestigasyon huag tayong puro propaganda matagal ng gawain yan sa 40 years na pag exist ng CPP/NPA/NDF gasgas na masyado…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s