PUBLIC APOLOGY

Inihihingi ko sila ng paumanhin. Ang apatnapu’t tatlo
at kaming taga-suporta nila.

Paumanhin kung ang asikasuhin nila at karirin ay hindi ang pag-eempake
ng kanilang propesyon papuntang ibang bayan. Paumanhin dahil sini-share
nila ang kanilang mga natutunan dito at doon sa pinakaliblib.
Paumanhin at nanggagamot sila na walang bayad. Paumanhin.
Mga bagay nga siguro itong hindi katanggap-tanggap sa isang lipunang
lahat sinusukat at may monetary equivalent.

Muli, paumanhin. Paumanhin dahil pinapahalata nila
na may mga parte ng Pilipinas na pinababayaan,
na may mga lugar na parang Enchanted Kingdom at Hongkong
ang mga pagamutan- sa panaginip lang napupuntahan.
Paumanhin dahil pinapa-realize nila na may iba pang
gamot maliban sa dahon ng kantutay, yellow ginger at nilagang balat ng agoho.
Paumanhin dahil pinakita nila kung ano ang itsura sa malapitan at sa personal
ng doctor, nurse at stethoscope.

Siguro nga, kasalanan ito sa walang silbing administrasyong ito,
nararapat nga siguro, sa kanilang sariling depinisyon ng salitang “nararapat”,
na sila ay ikulong, tortyurin at paratangang mga kalaban ng gobyerno.

2 thoughts on “PUBLIC APOLOGY

  1. palagay ko di nila kayang i-spell o na alam kung ano ang apology. palagay ko ang alam lamang nilang i-spell o pag-aralan ay kung paano umabuso.

    Salamat sa 43 sa kaalaman nila sa mga liblib na lugar ng inang bayan, habang nakikipag-sapalaran kami sa mga liblib na lugar ng Australia – mahirap na at hindi namin makakalimutan ang mga patuloy nilang mga sakripisyo.

    mabuhay kayo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s