Armado

Habang hobby na lng ito ng ilan.
Ginagawa pag walang magawa.
Kapag free time at spare time.

Sandata naman namin ito.
Armas pandigma.
Parang baby armalite at ak47.
Parang rocket propelled grenade.
Isang landmine na nag-iintay
matapakan ng nagpapatrolyang
bata-batalyong kasinungalingan.

Malikot na bulate itong kumukutkot
sa halang na sikmura ng presidente.
Masakit sa tainga at
nakaka-stress sa kukote
ng mga tatamad tamad,
kukuya-kuyakoy at pepetiks-petiks.

Mapait na ascorbic acid.
Di malulunok. Ikakabaligtad ng tiyan.
Higanteng suppository.
Parang eternal pulikat at kabag.
Habangbuhay na di maididighay.
Virus na magpapahina
sa immune system ng imperyalismo.
Sugat sa paa ng diabetic na imperyong
duguang gagapang patakas
sa aming berso.
Pasakit sa kanyang kapanatagan.
Walang kasing basang medyas
na hindi mahuhubad
kahit kailan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s