Napopoot ako Dahil Nagmamahal sa Pagtatanghal at Tula

Feb 23, idinaos ng KM64 ang munting pagpapahalaga sa malapit nang makalimutang mga tula ni Romulo Sandoval o mas kilala bilang Mulong.
__
Minsan nang napagkwentuhan namen sa KM64, na kahet sa hanay ng mga protest poets (lalo na ang mga “baguhan”) eh kaunti lang ang nakabasa ng mga tula ni Mulong.

Nakakakabag ang katotohanan.
__
Inumpisahan namin ni Amihan Mabalay ang gabi sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ilang current events.

Nakagawian na ito sa mga event ng KM64, upang bukod sa beer at pulutan, mapagsaluhan naman ng bawat isa ang mga pangyayari sa bayan.

Ganito ang mga event ng KM64, hindi chummy chummy lang.

Ganito si Mulong, tumutula para sa bayan.
__
Sa marso 14, pitong taon na ang KM64.
__
Tulad ng biro tungkol kay Mulong, late nagstart ang event. Inumpisahan ang pamumulutan ng mga tula ni Mulong pagkatapos ipakilala ni Alex si kung sino si Romulo Sandoval.
__
Sa pitong taon ng KM64, itinuring na nitong tahanan ang Conspiracy bar.

Sa loob ng mga taong ito ang hindi mabilang na mga pagtatanghal, kabilang ang ilang fundraising poetry events (para kay Axel at Tagaytay5, Ondoy victims, Ian Dorado at Tania Domingo), nagdaos din ng mga isyu based events (pagpapalaya sa Tagaytay5 at kay Randy Echanis, pagsuporta sa GARB, sa mga isyu ng kababaihan, sa anti VFA campaign at sa Makabayan Coalition), nagbigay din ng tribute ang KM64 kay Gelacio Guillermo, sa mga Ampatuan victims particularly sa dalawang abogadong kasama sa masaker, at ito ngang huli kay Mulong.

Ang mga nabanggit ko ay ang mga naalala ko lang. Hindi pa kasama ang madami pang event na nakalimutan.
__
Hinding hindi ko malilimutan, best efforts na nagpeperform sina idol Abet Umil, ang anak niyang si Ayi at si boyD.

Enter ang isang babae, Gusto na putulin yung programa kasama na ang pagtatanghal nina Abet.

Overtime na daw kami at nag-aantay na daw ang “paying audience” na kasunud namen.
__
Ewan ko lang sa iba, pero ang alam ko, ang bawat performance, pinaghahadaan. Bihira yung basta na lang tatayo sa harap at magtatanghal.

Nakakabadtrip na habang todo bigay ka sa performance mo, tapos may di nakikinig at nagdadaldalan at nagtatawanan yung audience.

Pero, mas badtrip kung sa gitna ng performance, papatigilin ka.

Buti kung chummy chummy lang yung tinutula.
__
Nakiusap ako na patapusin na yung tula nina Abet. Hindi na yun aabutin ng limang minuto.
__
Sa Conspi, free ang entrance pag 6-9pm. After nun yung regular set nila. May bayad na yun. 150 ata?
__
Akala ko ok na. Na tatapusin na lang yung tula ni Abet. At alam naman namin ang kalakaran- lalabas agad kami para makapag-set-up yung kasunud.

Hindi pala.
__
May nakadinig mula sa audience na pinapa-unplug na nung babae from Conspi yung mga mic.

Yung waiter, obyusli may hiya, naupo lang dun sa may sound system, atubiling sundin ang utos.

Nung mapansin na atubili ang waiter, nilapitan ako-
papatayan na daw kami ng mic.
__
Dahil embarrasing naman na habang buong puso nagpeperform si Abet ng tula ng idol naming si Mulong, biglang papatayin ang mic, nilapitan ko na si Abet.

Tol, overtime na daw. Ngumiti si Abet.
__
Ayos at diyan nagtatapos ang pagtatanghal- sa kalagitnaan ng piyesa. Extro ni Abet.

Obyusli, dismayado.
__
Nakakainis at nakakalungkot na sa ganung paraan natapos ang pagpapahalaga sa isa sa pinaka-importanteng pangalan sa panitikang Pilipino.

Ni hindi ko na nagawang magpasalamat sa mga dumalo na kinabibilangan nina Prof. Joey Baquiran, Prof. Rommel Rodriguez, Danny Fabella, Gelacio Guillermo, at ang publisher ng kaisa-isang libro ni Romulo Sandoval (Kanta sa Gabi) na si Donato Mejia Alvarez.
__
Nakakalungkot na sa halos pitong taon namin sa Conspi, ipinagdamot sa amin ang limang minuto.

Limang minutong hindi naman ikamamatay ng mga nag-iintay na kasunod.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s