Habang Dalawang Buwan

May isa na naman pinag-aaksayahan ng panahon ang bayang ito. Ang Scroll TV Ad ni Presidential bet Manny Villar. Sabi ng mga henyo sa larangan ng Intellectual Property Chuvaness at mga suddenly concern sa tunay na mahihirap na ginagamit na political slogan ni  Manny Villar, ginaya daw ito sa Truth Upside Down ng isang Argentinian candidate na itago na lang naten sa pangalang Lopez Murphy. http://www.youtube.com/watch?v=jsPBVNecOMo

Alam ninyo bang habang pinag-kakaguluhan at pinagaasayahan ng mga status message at fb notes ang “panggagayang” ito, nakakabwiset na magdadalawang buwan na sa Camp Capinpin ang 43 health workers? Lima daw sa mga ito ang nagpalit ng abogado at affidavit na tumetestigo pabor sa mga ilegal na nang-aresto. Shempre, common sense na lang kung bakit “bumaligtad” ang lima.

Kanina lang, natanggap ko ang balitang, sa wakas ay ililipat na sila ng custody. Balitang dadalhen na sila sa Camp Crame dito sa QC. Kaya lang, maiiwan ang lima na kusa daw nagpaiwan. Na pinayagan naman ng Morong RTC. Ang lusog ng utak di ba?

Pansamantala, aayon muna tayo sa 38 lang na ililipat.  Ta-trabahuhin p rin na mailipat din ang lima. Sa kasalukuyan nga ay nag-eempake na ang mga health workers para sa byahe pa-QC. At ang pag-eempakeng ito ay magiging rehearsal ng gagawen nilang pag-eempake sa araw ng ganap nilang paglaya.

Ipagpapatuloy naten panawagang FREE THE 43 at di kakagatin ang ginagawang taktika ng AFP.

At opo, gagayahin naten ang nangyare sa FREE TAGAYTAY 5 campaign naten dati-

iaabswelto din naten sila sa non existent na kasong ito.

[Matapos dalhen sa Crame, agad ding ibinalik ang 38 sa Capinpin sa kadahilanang wala na raw paglalagyan http://www8.gmanews.tv/video/58151/saksi-38-of-morong-43-detainees-brought-to-camp-crame-then-promptly-back-to-tanay%5D


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s