Di Pangkaraniwan

Sa isang kanta ni Danny Fabella, nagbigay siya ng pagpupuri at pagpupugay sa mga “hindi pangkaraniwan”. Isa ito sa pinakapaborito kong kanta ni Danny. Nakaka-LSS ang korus nito. Yung tipong kahit korus lang ang makabisado eh panalo na.

Panahon ngayon ng eleksyon. At sa Pinas, parang pasko ang eleksyon- okasyon para kumita ang marami nating kababayan.
Mula sa mga gumagawa ng mga banner, tarp at streamer, sa nagpprint ng tshirt at gumagawa ng sticker, sa mga tagadikit ng poster, barangay coordinator at watcher, sa mga pedicab at trycycle driver, sa mga ati-atihan at jingle maker hanggang sa mga flying voters. Lahat ng pwedeng pagkakitaan, magkakaroon sa eleksyon.

Kumbaga sa indian mango at lanzones, panahon nila ito.

Kung may mga taong binabayaran para sumuporta sa isang kandidato o partido, naririyan din shempre ang mga “di pangkaraniwan”.

Habang kinikilala naten ang ating mga kinatawang tumatakbo sa eleksyong ito (Satur Ocampo, Liza Maza at ang ating mga nominees) nararapat ding kilalanin ang mga nangangampanya upang ipagtagumpay ang ating makabagong pulitikang isinusulong. Ito ang mga taong walang pagod, walang hiyang, walang tigil at walang bayad na binibitbit ang mga pangalan ng ating mga kinatawan.

Isa ito sa poreber kong ipagmamalaki sa libo-libong mga kasama. Karamihan sa mga ito ay may opsyon na kumita mula sa ibang pulitiko. Tunay na hindi pangkaraniwan.

Kamulatan ang gasolina nila sa bawat pagkilos.

At sa ganitong kalagayan, lalong nakikita kung sino ang tunay na na naglilingkod sa bayan. Kung sa paglalaba, nahihiwalay ang puti sa de kolor.

Sabi sa korus ng kanta ni Danny, “Mabuhay kayong mga di pangkaraniwan..”

Ulit-ulitin ang korus magpakailanman.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s