Ang Presidente ni Chiz at Pag-asa ni Ate V

Parang template na ang sagot ng kampo ni Liberal Party Presidential bet Benigno “Noynoy” Aquino lll sa tuwing mababanggit ang isyu ng Hacienda Luisita. Kesyo, maliit na portion lang naman daw ang pag-aari ng pamilya Cojuangco- Aquino sa kabuuan ng hacienda. At ang pa-konswelo, kung sakaling manalo bilang pangulo, gagawin daw nya ang lahat para maipamahagi ang lupa sa mga manggagawang bukid.

Nakakatawang nakakainis.

Ito na ang “the best” na kaya nilang isagot. Buhay pa si Cory, ito na ang bukambibig ng pamilyang ito.

Kakailanganin pang manalo muna ni Noynoy para makatikim ng matinong sagot? Hinde ba pede ngayon? Pano king magunaw na ang mundo bukas o bago dumating ang halalan? Sa ngalan man lang ng kaplastikan at kasinungalingan, sabihin nya na ngayun din kakausapin niya ang “iba” pang nagmamayari ng hacienda na isuko na sa mga magbubukid ang lupang pinagyaman nila.

Tulad ng kapatid niya, taklesa din talaga iong si Noynoy. Sa kilos at salita niya, mahihirapan ang kahit na sino na makuha ang hacienda.

Agrarian reform pa lang pinag-uusapan. Baka nalimutan din, madami ang napatay sa madugong dispersal na ginawa nila.
At di dun yun natapos, ilang araw matapos ang massacre na iyon, nasundan iyon ng pagpatay sa ilan pang lider at mga tagasuporta ng welgista.

Wala tayong nadinig na pagkondena mula kay Noynoy, na noon ay kapita-pitagang Congressman (opo, bihira lang mapansin-pero naging congressman siya). Ang binanggit lang niya, ay hindi daw mga sunadlo o pulis ang naunang nagpaputok. At buong giting na pinag-diinan na nadala lang sa sulsol ng mga taga-“labas” ang mga manggagawa ng Azukarera kaya ito nag-aklas at nagwelga, na para bang walang kakayahang mag-isip at magpasya ang mga taong ito

Hanggang sa kasalakuyan, walang ginagawa si Noynoy na hakbang para mapanagot ang mga utak sa likod ng masaker na naganap sa kanilang bakuran.

Isa ang isyu ng Hacienda Luisita sa mga dahilan kung bakit ayaw isama ni Noynoy sa tiket niya ang mga militanteng kandidato na sina Satur Ocampo at Liza Maza.

Nakakalungkot na itinuturing lang itong black propaganda ng napakadaming tao sa Pilipinas. Na para bang gawa gawa lang ang mga pinatay na mga welgista. Na para bang imbento lang ang P9.50 na ipinapasahod sa mga manggagawa.

Nakakalungkot na kay Benigno ” Noynoy” Aquino nila itataya ang kanilang boto sa kabila ng lahat ng ito.

One thought on “Ang Presidente ni Chiz at Pag-asa ni Ate V

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s