TRINOMA

Hindi Trinoma ang Trinoma kapag wala ka.
Para lang siyang Divisoria at Morayta.

Lalo at tulog ka.

Kaya kung sakaling gising, pwede bang tumawag
at kunwari andito ka.
Kunwari nakikita mo din ang hindi umaandar
na escalator.
Kunwari nakikita mo din ang mahabang pila
sa Jollibee.
Kunwari nakikita mo din ang Sbarro,
ang paghikab nung babaeng nasa concierge.
Kunwari nakikita mo din ang mga pinagpalang bata
habang walang muwang silang abala sa wifi.
Kunwari nakikita mo din ang poster ng KFC Krushers.
Ang carousel sa topmost level.

Ang nakabarong na guard, ang mga paperbag,
ang mga plastic at totoong halaman,
ang padulasan, ang naiwang tissue ng Yellowcab.

at ang Mindanao exit patawid ng Mcdo
na tinutunton ko ngayon.

Iiwan ang Trinoma.

Trinoma na hindi Trinoma dahil wala ka.

One thought on “TRINOMA

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s