Its a Beautiful Day, Mom

Hindi talaga ako naiyak sa Tokyo Towers.

Muntik lang.

Yung tipong nahirapan lang akong huminga at hindi makapikit kase baka biglang tumulo yung namumuong luha sa dalawang mata ko.

Pero yun nga tulad ng mga rebyu sa pelikulang ito, kukurutin talaga ang puso mo.

Istorya ng mag-ina- si Masaya  at si Eiko. Hiwalay sa asawang artist-lasinggero, pinilit buhayin ni Eiko ang anak sa pamamagitan ng iba’t ibang raket na may kinalaman sa pagkain. Nagmana sa ama, nahilig sa arts itong batang Masaya, kaya nag-enroll sa isang arts program. Umalis ito at naiwan sa probinsya ang ina. Tulad din ng ama, naging lasenggo, sugarol at babaero itong si Masaya. Kahet nagkakanada-kuba na itong nanay niya, nakuha pa rin ni Masaya na hindi maka-graduate. Nabaon pa sa utang dahel sa pagkatalo sa sugal.

Nung baon na baon na siya sa utang at kawalang pag-asa, nagsumikap tumino itong lokong si Masaya. Lahat ng trabahong dumadaan sa harapan niya, pinapatulan. Unti unti namang nakabawi, umabot pa nga sa punto na nakapaglabas na ito ng sariling libro. Dito niya inimbitahan ang kanyang Mom na puntahan siya sa Tokyo.

Perpekto na sana ang mundo pero hindi pala talaga. Natuklasan na may cancer ang Mom. Kelangang i-Chemo. Ayaw pa nila nung una, pero napilitan na rin kase hindi bumubuti ang kalagayan ni Mom. Dito na magsisimulang bumaha sa Shangrila. Eksena na hirap na hirap ang ina dahel sa chemo. Nagsusuka, at namimilipit sa sakit- nagpasya si Masaya na itigil na ang treatment.

Tinaningan na ng doctor ang Mom.

At ginawa na ni Masaya ang lahat para mapasaya si Mom. Kasama na dito ang pangakong aakyat ng observation area ng Tokyo Tower. Pero hindi na ito natuloy, matapos magpasalamat, nalagutan ng hininga si Mom.

Makakarelate ang kahit sino sa pelikulang ito, kase lahat tayo may nanay. Wag nang pag-usapan kung mabuti ba o masamang ina ba siya.

May cancer din ang nanay ko [bagamat hindi naman niya napagdaanan yung malupit na chemo], kahet papaano nakita ko din ang sarili ko, nakita ko din yung kapatid ko sa mga eksena.

Nakakatakot pero naniniwala naman ako na iba ang magiging ending pagdating sa amin.

Basta para sa akin, pagsama samahin niyo na ang pinakamasasarap na pagkain sa mundo-

pinakamasarap pa din ang tinola ng mamigids ko.

5 thoughts on “Its a Beautiful Day, Mom

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s