Daan Pauwi

Lalakadin ko ang daan pauwi. Patawid sa dating mga tinatawiran. Kukumustahin kung gaano na katangkad ang mga halaman.

Magugutom at mauuhaw.

___

Habang nilalagom ng bawat isa sa Commonwealth ang SoNA ni Noynoy Aquino, ipinagtatanggol namin ang isang batang pinagtutulungang bugbugin ng mga batang lansangan.

Dayo daw kase ang batang ito, taga Batasan.

Antatapang ng mga bata ngayon, sana sa ibang laban maging matapang din sila.

___

Nung nakauwi ako, saka ko lang naalala na di pa pala ako nanananghalian.

Ganun daw pag nag-eenjoy.

___

Nakakagulat ang balitang patay na si Redford White, naaalala ko pa dati nung nakatira pa kami sa Lagro, tuwing mahal na araw laging kasama sa prusisyon si Redford White. Sikat na sikat siya nun.

Brain CA na may Lung Ca. Yun ang tumapos sa pagpapatawa ng isa sa pinaka-simpleng artistang nabuhay sa Pilipinas.

Ang suot lang niya sa kanyang kabaong-

Tshirt, maong at sandals.

___

Nakakatuwa talaga itong si Noynoy, inihayag niya ang totoong kalagayan ng ating bansa sa kasalukuyan.

Iyon nga siguro ang tunay na State of the Nation.

Isa sa hindi niya nabanggit, Hacienda Luisita at agrarian reform. Yun ang state of the nation sa kasalukuyan, hindi pinaguusapan ang mga ganitong mahalagang usapin.

Mas paguusapan pa siguro kung si Mikey Arroyo nga ang mistryosong bf ni Rufa Mae Quinto.

Mas paguusapan pa kung sino ang tumahi ng barong ng mga dumalo.

Mas pag-uusapan pa kung ilang beses pinalakpakan ang SoNA speech.

__

One thought on “Daan Pauwi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s