Guadalupe

Pano ka ba naman maniniwalang nalulugi at nakakaawa ang pamunuan ng MRT/LRT eh sa araw araw na ginawa ng poong maykapal eh punong puno ang bawat tren, north bound-south bound.

Ni hindi ka nga halos makaupo. Ni hindi ka nga makatayo nang maayos.

Palaisipan sa akin noon pa kung magkano ang kita ng mga damuhong ito. Walang oras na maikli ang pila. Ang pinakamababang singil- sampu.

Kung ipipilit nila na taasan ito at isaksak sa kukote naten na wala-na-kayo-magagawa, dapat tiyakin nila na mag-iimprove ang serbisyo nito. Dapat din igiit na makakaupo ang lahat. Hindi na pipila ng mahaba.

At siyempre dapat din itaas ang sahod ng lahat ng manggagawa, lalo na ako.

3 thoughts on “Guadalupe

  1. Baka hindi lang nila iniisip yung ngayon. Baka na-compute na nila ang exponential ng pag-gamit ng tao sa tren within 25 years or more. Yung tipong pag hindi natin inayos ngayon ang sistema ng tren, sa 2015, magkakapalitan na ang mukha ng mga tao pag nagsiksikan sa tren. Bago naman sila magdesisyon ng pagtataas ay may study naman silang ginagawa.

    Nabigla lang ang mga tao, pati ako, dahil bigla na lang pumutok ang balitang iyon. Kung sana man lang ay sinabay na nila sa putok ang mga explanations at possible results(listahan ng magiging improvement) ng kanilang pagtataas ng presyo, hindi sana magugulat, magagalit ang mga tao.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s