LEVÉE EN MASSE

Tatlong bagay ang aking na-realize, ngayon habang binobomba kami ng water cannon sa kalye ng Recto tapat ng KFC at UE malapit sa Wendy’s na Mang Inasal na ngayon at konti na lang ay Mendiola na. Una, paranoid lang talaga ang Malakanyang at hindi naman talaga ang reklamo ng Greenwich, San Beda, CEU, at Jollibee ang kanilang iniintindi kundi kabado talaga sila na marinig at madaanan ng mas marami ang mga mangyayaring rally. Pangalawa, pag sincere at firm ang iyong paninindigan, irrelevant na ang police brutality, ang oppression, repression. Ang water cannon, ang batuta at truncheon lahat sila walang sense. Parang kung paanong walang sense ang mga pinagsasabi ni GMA  habang suot ang pink silk at pineapple gown na gawa ni JC Buendia sa kanyang SoNA na pinalakpakan naman nilang mga naka JC Buendia din habang itinutulog na lang ng mga mamamayan ang gutom ng tiyan.  Pangatlo, narealize ko na nasa bulsa ko pala ang aking cellphone baka nagtext ka at nag-aalala kung baket kaya di ako nagrereply tulad ng lagi mong inaalala sa tuwing sasama ako sa mga ganitong rally sa ganitong mga panahon na paranoid ang Malakanyang,   Takot magising ang mga  mamamayan.

Bow, Move Forward and Hammer (King Catoy)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s