Pagitan

Nalimutan ko na kung saan ako papunta, basta naglalakad ako papuntang/along Espana. Dala ko noon ang isang bungkos na kopya ng printed Tulagalag.

Nakita ko sa isang kanto ang dalawang kaklase ko nung highschool. Si Jun at Pau. Si Jun tumaba, actually pareho sila, galing ng ibang bansa at may asawa na. Si Pau callcenter agent na.

Tinanong ko sila kung saan sila papunta kahit napaka-obyus naman na may hawak silang raketang pang-badminton. Obyusli ang isinagot nila ay maglalaro ng badminton sa Mayon.

Konting kumustahan lang, sumakay sila ng jeep at ako nagpatuloy sa paglalakad.

Nilingon ko pa sila.

Inisip ko, habang minumulat ko ang mga mamamayan sa pamamagitan ng mga tula, ang mga kaklase ko nakatakdang ubusin ang oras sa paglalaro ng badminton.

Tinatanong ko yung hangin na nakapagitan sa akin at sa sinasakyan nilang jeep.

Sino ba ang naiwan at sino ang umunlad? Sino ang nagbago at sino ang nanatiling bansot? Sino ang malayo na ang narating?

Masarap din sigurong ubusin ang panahon sa paglalaro ng badminton pero siguro nga, para sa akin- hindi pa ito ang panahon.

Kung sila siguro ang magtatanong, baligtad siguro ang sagot.

One thought on “Pagitan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s