Grabe ang haba ng pila sa NBI. Papasok pa lang ng mall, halos umabot na sa bigote ni Echeverri. Maganda sigurong isipin habang nasa mahabang pila kung saan napupunta yung ibinabayad ng bawat isang nandito. Ang pinaka-mababa ata na babayadan dito ay P150.

Naisip ko, dadating kaya tayo sa panahon na sa loob ng isang taon, ang lahat ng Pinoy ay nakakuha na at nakapagrenew na  ng NBI? Yung wala na tayong makikitang mahabang pila at nagffacebook na lang yung mga nasa bawat window ng bawat estasyon.

Niwey, hindi naman siguro bawal dito sa inuupuan ko kahit wala naman akong binibili sa Home Brew Cafe. Hindi lang naman ako ang walang inoorder.

Mabalik tayo sa unang, tanong. Libo ang koleksyon ng NBI kada araw. Milyon kada taon. Saan ito napupunta? Pasweldo? Ang sarap naman siguro ng buhay ng mga empleyado dito. Pasilidad? Kung pasilidad, deserve naman siguro natin ang higit pa sa mga higanteng electric fan na nandito, at mas maraming opisina pa, para hindi tayo lahat nandito sa Monumento. Sana hindi puro baril ang binibili ng gobyerno na magpapayabang pang lalo sa mga ahente ng NBI.

Sana mapunta naman ito sa pambansang budget. Sa mga serbisyong mararamdaman ng bawat Pilipino.

Saan kaya kumukuha ng NBI clearance si Kris Aquino?

 

 

 

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s