Nalimutan ko na ang Titulo ng Paboritong Cartoons ko

Nung mga nagdaang araw, bumaha ang mga panawagan ng pagpapalit ng profile pic sa paboritong cartoon character. Ito, bilang pagsuporta sa laban ng mga bata against child abuse.

Nakakatuwa kasi madami ang sumali sa kampanyang ito. Nakakatuwa din na nakita at naalala nating muli ang mga naiwan nating mga cartoon character nung tayo ay nagsitanda.

Maganda ang layunin ng mga nagpasimula nito. Clap clap clap.

Pero ang malungkot sa bayang ito, madami ang sumusunod lang sa uso. Dahil kewl. Dahil halos kalahati ng friends nagpalit na. Dahil nag-PM ang crush na gawin ito.

Suportado nga ba natin ang laban against child abuse?

Alam ba natin kung paano inaabuso ang mga bata? Sino ang umaabuso?

Napuyat at napurga na tayo kakapanuod ng mga dokumentaryo ng I-witness hinggil sa mga batang may mabibigat na trabaho.

Naging instrumento ba tayo para matapos ang kahirapang dinaranas ng mga batang ito na nagtutulak sa kanila para gumawa ng uling, magbuhat ng kahoy pababa ng bundok, sumisid ng pusit at magdurog ng graba.

Baka nga ni wala tayong pakialam at panahon na panuodin ang mga ito.

Kung sumasakay ka ng jip, imposibleng hindi mo pa ne-encounter ang mga batang aakyat na may dalang sobre. Nabigyan ba natin ng rason ang mga batang ito na generous pa din ang lipunan o example ba tayo kung gaano kadamot ang mundo? Ano ba namang mabigay ka ng piso, bente singko o candy.

Madami na nauso sa Facebook na may kabuluhan. Mula pagpopost ng kulay ng bra, pagpopost kung paano at saan maganda isabit ang handbag hanggang sa mga makahulugang pagpapalit ng profile pic.

Hanggang dito na lang ba tayo?

One thought on “Nalimutan ko na ang Titulo ng Paboritong Cartoons ko

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s