Bakanteng Silya

Patapos na ang aming maikling programa sa piketlayn ng mga taga-ABSCBN -IJM nung makatanggap ako ng text na pabiyahe na sa Episcopal Church ang ilan sa mga pinalayang health worker mula sa Morong 43.

Bagamat walang idea kung ilan, o kung sinu sino ang mga napalaya, naexcite na akong tumulak doon.

Bago namin lubos na natapos ang programa, nagsawa muna kami sa malakas na boses nina Gary V., Toni Gonzaga at iba pang artista ng Channel habang paulit paulit na pinapatugtog ang Xmas Anthem ng kanilang istasyon.

Tinapos namin ang programa habang ikinakasa ang mas malaki at mas maingay na pagtitipon sa Lunes.

Sakay ng Tora Tora, fly kami. Nakiraan kami sa mga pinagpalang nilalang na gumigimik sa Tomas Morato.

Paiklian ng palda ata ang labanan  nung gabing iyon.

Pagdating, CR at saksakan ng charger ang una kong inatupag sa Episcopal church.

Naghahanda na ang lahat, mula sa formation, sa mga chants hanggang sa mga kakantahin na pangungunahan ni Danny Fabella.

Sa bandang harapan, nakahilera ang apatnapung silya. Ilang oras na itong nag-iintay. Parang countdown ang mga announcement na nasa SLEX, Osmena, Quirino, RMagsaysay, Pureza, Araneta at Erod na sila.

Dalawang jeep ang naunang dumating, nagsigawan na. Putol pala ang convoy. Mahabang patlang. At nung dumating na talaga, rakenrol na.

Sa bandang harapan, nakahilera ang apatnapung silya, paunti-unti nauupuan na isa isa. Gaano man kasaya, yung mga bakanteng silya ay hindi maikakaila.

May kulang pa.

Sa mga susunod na mga araw, sa susunod na maghahanda tayo ng apatnaput tatlongsilya, sisikapin nating walang mababakante. Kung kailangang magdagdag ng silya para sa iba pang detenido at bilanggong pulitikal- magdadagdag.

Sa ngayon, pagpupugay at pagbati sa ating lahat.

This slideshow requires JavaScript.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s