Makati Bus Explosion

Sa naganap na pagpapasabog sa isang bus na may biyaheng Fairview-Baclaran, apat naitalang agad na namatay.

Kinabukasan, madaling araw, bumigay na rin ang katawan ng ikalima. Marami rin ang naitalang sugatan sa insidenteng ito sa bahagi ng Makati.

Tatlo sa limang biktima ay mga nasa batang edad na bente singko pababa, malungkot na kwento ang nasa likod nito.

Yung binata ay nagpunta ng Makati para magayos ng kaniyang mga papeles para sa asam na makapunta sa Australia para makapagtrabaho. Kasama sa mga gamit na nakuha mula sa kanya ay mga papeles at passport.

Ang kasama niyang babae, ang kanyang nobya naman ay mag-aapply sa isang callcenter sa Makati CBD. Nakatanggap diumano ito ng tawag para sa isang interview. Humingi pa daw ito ng isandaang pisong pamasahe sa kanyang ina nung araw na umalis ito.

Sinasabing ang magkatipan ang nakaupo sa ground  zero ng pagsabog o ang upuan kung saan nakalagay pampasabog [ayaw tawaging bomba ng mga otoridad, mas angkop daw ang iprovised explosive device]

Ang isa pang biktima, isa ring dalaga. 22yrs old. Siya ang pinakahuling namatay dahilan sa mga tinamong mga pinsala sa katawan.

Hindi naman daw ito madalas sumakay ng bus, hindi naman daw ito umuuwi kaagad pagkatapos ng kanyang shift. Marahil kagaya ng karamihan sa populasyon ng mga callcenter agent ay nagkakampe muna sa mga kapihan para magrelax matapos ang puyatan.

Maaga itong umuwi nung araw na iyon, dadaanan daw kasi nito ang pinagawang eyeglasses para sa kanya at sa kanyang ina.

Tatlo lamang ito sa limang napaslang. Ang kwento nila ay kwento ng mamamayang nagpupunyagi para mabuhay ng patas sa bayang karamihan ay gumagapang na sa kahirapan. Tiyak na may malungkot na kwento din ang dalawa pa. Pati ang mga sugatan. Lahat sila ay mga inosenteng sibilyan na nagkataong nasa bus na iyon.

Sa kasalukuyan ay nadetermina na ang uri ng pamsabog, isang mortar. Anytime ay ilalabas na ang sketch ng mga suspect.

Katulad ng napakaraming kasong nakatanghod na nag-iintay ng hustisya, nawa ay mga tamang tao mahuli at maparusahan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s