Asan ang mga Tibak?

Laman ng mga balita kamakailan ang pahayag ng isang henyong kinatawan ng GRP hinggil sa pagtulong daw ng Facebook sa paglalayo sa mga kabataan sa nagaganap na rebolusyon.

Natural na umani ito ng katakot takot na reaksyon mula sa mga katibakan pero sa tingin ko mas dapat natin itong tanggapin hindi bilang insulto kundi bilang hamon.

Oo, hinahamon tayo. At pagsusuring muli sa ating facebook life ang dapat nating isagot dito.

Sa maraming pagkakataon, nakakahon na lang tayo sa ating sirkulo. Nararapat na nga siguro na gumradweyt na tayo sa paglilike ng posts ng isat isa, pagrerepost ng posts ng isat isa.

Sa pagsasabi nito ay hindi naman nangangahulugang dedmahin natin ang kalike-like na post ng mga kasama. I-like pa rin natin ang mga dapat i-like. I-repost ang mga dapat i-repost. Dagdagan lang natin ng pagreach out sa labas ng ating sirkulo.

Sa fanpage ng Gmanews at ANC, uminit ang mga thread tungkol sa ginawang protesta ng mga Taga UP diliman sa pagiging panauhing pandangal (yak) ni Noynoy sa commencement exercises ngayon taon.

Bagamat marami ang pumuri, madami ang mga bumatikos. Kesyo kabastusan, kawalang respeto, may ibang lugar naman daw para sa protesta.

Ang mga ganitong mga argumento ay agad dapat nating nasasagot upang mabawasan ung mga napapa-oo nga. Iilan lang ang mga nakipagtalaktakan sa thread na iyon, hindi ko pa nga alam kung nanggaling sila sa atin o mga naniniwala lang talaga na karapat dapat ang mga nangyare.

Nakakalungkot na nadomina nila ang palitan ng kuro kuro.

Hinahanap ko tuloy ang mga tibak sa thread na iyon.

Sa kanta ng Tambisan, sinabi nila na marami pang dapat imulat kasama. Patalinuhin natin ang diskusyon sa facebook. Maaring outlet ito ng marami sa atin para makapagrelax sa mga pang araw araw na mga gawain. Para maipost yung yung mga tula nila, mga paboritong video at kanta.

May mga pagkakataon pa nga, na mas napagusapan pa ng ilang kasama ang pagkamatay ng batang aktor na si AJ Perez kesa sa duwag na pagpaslang kay Kenneth Reyes ng BAYAN-Batangas.

Nasa panahon tayo na iniisip na ng marami na wala na talaga tayong magagawa. Naniniwala tayong hindi iyon totoo, may magagawa tayo, kung ano ang dapat gawin?

Pasimulan na ang mabungang talakayan.

2 thoughts on “Asan ang mga Tibak?

  1. Totoo ito. Marami na’ng nasisiyahan na lang sa paglike at pagkokomento sa sinasabing kanais-nais na mga paskil sa cyber wall ng Facebook. Bibihira na yata’ng palihim na lumalabas sa hatinggabi para mag-OP/OD (operasyon pinta/operasyon dikit) para higit na malaman ng madla ang mga isyung panlipunang DAPAT nilang harapin at pagtagumpayan.

    Sa totoo lang, wala pang 80 porsiyento ng mga kabataan sa Pilipinas – laluna na ang nasa kanayunan – ang nakakikilala ng internet o nakakikita ng telebisyon. Paano kaya nila mapagtatanto na ang pagtaas ng presyo ng langis na nagbubunga ng pagtaas din ng presyo ng iba pang batayang mga bilihin ay bunsod ng katangiang monopolistiko ng industriyang ito? At paano nila malalaman na ang limang milyong halaga ng Porsche na binili ni Noynoy, kamakailan lamang, ay maaari na nilang maibili ng sakusakong bigas at tuyong maaari nilang pagsaluhang mag-anak?

    Umaayon ako, katotong Rustum, sa obserbasyon mo na tila napakakahon tayo sa ideyang petiburgis, pagdating sa paggamit ng internet bilang isang instrumento ng pagtatambol ng mga isyu. Higit pa ring malawak ang kalsada, mas maraming matang nagmamasid sa suluk-sulok at sa mga kalyehon, at mas mainam pa ring kuhanan ng impormasyon, balita at maging makabuluhang “tsismis” ang umpukan sa mga barberya, tindahang sari-sari, at maging sa patulian ngayong tag-araw. Napadaan lang po. Magandang gabi!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s