Lino

“Wala naman kayong ipinaglalaban”

Ito ang pinakahuling gusto mong madinig matapos isang buong araw mong samahan ang mga manggagawa sa kanilang panawagan para sa makatarungang umento sa sweldo.

Masyadong nakakapaso ang klima at kalsada para lamang sa isang walang kwentang pinaglalaban, tama ba? Kung ang rason mo lang kaya ka sumasama sa mga protesta eh wala lang, hindi kaya mas masarap na lang mag-ikot sa Robinsons Manila o kaya mag-dvd marathon ng CSI?

Kung hindi ka elibs sa mga slogan, sa mga sigaw at nilalaman ng mga polyetong ginagawa mo lang eroplano, that doesnt give you the liberty to declare na wala ngang kwenta ang lahat ng ito.
Kung na-late ka sa pupuntahan mo o kung dumikit na ang bago mong pantalon sa seatcover ng fx dahil sa trapik- hindi kaya pambihirang okasyon na ito na isinusubo sa’yo na paminsan minsan ay pakinggan at panuodin naman ang nagaganap sa paligid mo?

Sa susunod na marinig ko ang mga katagang “wala naman kayong ipinaglalaban”, dont expect na ngingiti ako at magbibingi bingihan. Dahil sa pagsasabi nito, hindi lang ang kakayanan kong mag-isip at magdesisyon kung ano ang aking paniniwalaan ang nilait mo. Libo libong piraso ng pinasama-samang pusong umaasa sa isang mas maayos na lipunan ang mas binalewala mo.

Wag mo na akong tawaging direk, wag mo nang purihin ang mga pelikula ko-tawagin mo na lang akong Lino.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s