Parang nakasakay sa rollercoaster yung mensahe ko para sa tatlong author ng Himno ng Apoy sa Gubat ng Dilim, naiilang ata ako sa dami ng nagpapaypay o napadami siguro yung nailabas kong pawis kakafigure out kung nasaan ang southwing AVR.
Maaga akong nagising nung araw na yun. Feeling welcoming committee sa pagdating ni Lakers star Kobe Bryant. Tapos nag-online dahil maagang online si Roma.
2:30 kaharap ko na ang guard ng PUP. Para akong naliligaw, akala ko nasa Intra ako. Pero nung mapunta ako sa mga maliliit at siksikang classroom, naisip ko na nasa PUP nga talaga ako.
Puno ang AVR nung dumating ako. Nagbigay ng mensahe at nang matapos ang programa, kumain at uminom ng Pepsing kulay blue.
Bisita nung hapong iyon si Dan Borjal na nagmula pa sa malayong bansa. Kaya nagpalamig muna sila sa isang faculty room. Nagpoetry reading kami. Nagbasa ako ng dalawang tula at lumipad na papuntang Cosmopolitan church.8:30 nasa jip na ako ng Proj 2-3. Alas nuebe nasa Backdoor na para sa Haranang Bayan 3. Puno sa loob kaya naupo na lang sa hagdan.
After ni Axel ako sumalang. Tapos tumabay hanggang sa huling kanta ng Datu’s Tribe.
Sumakay ng Cubao pauwi. Bumaba sa Aurora ave, sumakay ng Taft at nanalangin na wag na sanang magpuno ang jeep sa EDSA.
Speaking of, umaga or tanghali, nagkaroon ng pagkilos ang Piston sa Cubao din. Habang atat na atat ang ibang transport groups sa hindi naman talaga solusyon na fare hike, mapanuring binubusinahan ng Piston na iphase out na ang Oil Deregulation Law.
Alas dose nasa bahay na ako. Kumakain ng Century Tuna at Hotdog. Hindi ko na ginising si mami para itanong kung ano ang nangyari sa Secret Garden.