Pangarap

Ikukwento ko sana kung paano ako sinalubong ng mga pulang letrang SMART ALL STAR TICKETS SOLD OUT nang tangkain kong makita kahit sa pinakamalayo sina Kobe Bryant at Kevin Durant kanina na nauwi sa tanghaliang Paborito Meal #2 ng Mang Inasal dahil inanod ata ng malakas na ulan ang mga scalpers na huling hantungan naming mga naubusan.

Pero hindi ito ang hinihingi ng hapon ng sabadong ito sa aking nirentahang dalawang oras sa internet shop sa Matimyas.

2 ang patay at 8 ang sugatan sa naganap na tensyon sa Brgy. Pangarap, Caloocan City. Ang mahigit sa 59 ektaryang lupain na kinatitirikan ng mga bahay ng mahigit 30, 000 residente ay humaharap sa demolisyon sa ilalim ng pang-aangkin ng lupa ni Greggy Araneta, mula sa pamilyang Araneta na kilalang malapit sa administrasyong Aquino.

-Kabataan Partylist NCR

Live na ipalalabas mamaya ang mga thunderous dunks, ang mga alley-Oops at mga killer crossovers- trending topic tiyak.

Pero ang maulang araw na ito ay ilalaan ko para sa dalawang pangalan lamang- kina Mel Fortadez at Sol Gomez.

One more thing, nakakatawa, noong isang araw lamang nakangiti ang bigoteng pinagdiriwang ni Recom Echeverri ang pamamayani ng demokrasya at katotohonan sa Kolookan.

At sabi din ng upos ng sigarilyo ni Noynoy- pwede na ulit tayong mangarap.

Kolokohan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s