Naitanong Mo Na Rin Lang Ang Ano-Ba-Ang-Gusto-Ng-Mga-Raliyi​stang-Kontra-Noynoy-Na-Yan, Sana Nilubos Mo Na

Naitanong mo na rin lang ang ano-ba-ang-gusto-ng-mga-raliyistang-kontra-Noynoy-na-yan, sana nilubos mo na. Sana nakamusta mo ang agrarian reform sa Pilipinas, lalo na sa Hacienda Yulo, Hacienda Look at Hacienda Luisita. Sana naitanong mo kung ilang oras, araw, buwan at taon nag-intay si Pedring Laza sa pagdating ng maramot na hustisya para sa anak niyang naulanan ng bala. Naitanong mo rin sana kung bakit kaya sa sobrang ganda ng ating ekonomiya, allowance na tumangkad lang ng konti sa bente pesos ang kayang ibigay sa mga manggagawa.

Naitanong mo na din sana kung masarap ma-tortyur, kung cool maging political prisoner, kung ok lang na dukutin ang iyong tatay at makatanggap ng text na kung di ka titigil sa ginagawa mo bubutasin ng bala ang ulo mo at kung exciting na parang CSI kumilala ng beyond recognition na bangkay.

Naitanong mo na rin lang ang ano-ba-ang-gusto-ng-mga-raliyistang-kontra-Noynoy-na-yan, sana nilubos mo na, naitanong mo din kung paano na kung walang nagrarally, magkano ang babayaran mong kuryente, kung gaano na kataas ang diesel at pamasahe, kung magkano na ang tuition, ang toll fee, at ang basic commodity. Kung libre pa ang hangin, tubig dagat at tumingala sa langit.

Nang itanong mo kung ano-ba-ang-gusto-ng-mga-raliyistang-kontra-Noynoy-na-yan, sana naisip mo na baka kaya mo yun naitanong ay dahil madami kang di nalalaman sa mga current events ng ating bayan, na nasaang planeta ka ba. Sana naisip mo din na hindi lahat nababasa sa diyaryo (kung nagbabasa ka ng dyaryo), hindi lahat napapanood sa tv at di lahat naipopost sa fb.

Naitanong mo na rin lang ang ano-ba-ang-gusto-ng-mga-raliyistang-kontra-Noynoy-na-yan, sana nilubos mo na, tinanong mo na din sana kung ano ang ginagawa mo habang nagkaka-varicose vein na’t tubercolosis ang buong bayan kakabuntot sa paligoy-ligoy na presidenteng nagpresintang ipagmamaneho tayo papunta sa tuwid na daan.

2 thoughts on “Naitanong Mo Na Rin Lang Ang Ano-Ba-Ang-Gusto-Ng-Mga-Raliyi​stang-Kontra-Noynoy-Na-Yan, Sana Nilubos Mo Na

  1. Felipe Tacogdoy came from humble beginnings but found his talent which no ordinary human being can dare to imitate. No race is perfect. Always proud for all the God-given talents that Pinoys have shown? the world…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s