Never

Andaming matapang sa mundo. Karamihan sa kanila dumadaan sa tapat ng bahay namin. Nagbabatuhan. Nagpapalakasan ng boses. Nagbabasagan ng mukha at bote.

___

Nasunog ang isang hilera ng mga kahoy na bahay sa Instruccion nung isang madaling araw. Nasunog yun habang pino-problema ko ang signal ng sinasaltik kong selpon. Habang pinagiisipan ko kung ibabalibag ko ba o hindi yung selpon, kasalukuyan palang may nawawalan ng unan at bahay. Mga damit na suot lang ang naitakas sa traydor na sunog.

___

Nalulungkot pa din ako dahil labing anim na tao lang ang pumunta nung unang birthday event matapos niyang pumanaw noong isang taon. Ayoko sanang sukatin sa konti ng dumalo ang pag-alaala sa kanya.

Lalong ayokong isipin na preview ito ng mga susunod na taon na gugunitain ang kanyang kaarawan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s