SUMPAIN KA MEDEO

Para sa isang katoliko, effortless na ipako sa krus si Mideo Cruz, ang gumawa ng art installation na naka-exhibit sa CCP (na ipinasara daw dahil na rin sa susog ng “patron ng sining” na si Imelda Marcos).

Sa kabilang banda naman, sa mga atheist, winner si Deo.

Pero hindi dito dapat magzero-in ang ating mga opinyon at paghatol.

Para makapagbigay ng objective na opinyon, maigi na makita nang buo (hindi piling news tv footages, pictures at descriprtion ng ibang tao) at masuri mula panlabas hanggang sa hayag at tagong mensahe nito.

Ano ang ibig iparating? Naiparating ba?

Sa KM64 ay may iba ibang opinyon. May tahasang naniniwalang binaboy ni Mideo ang sagradong imahe ni Hesu Kristo, may naniniwala na maganda ang layunin ngunit lumabis sa ilang aspeto at may naniniwala din namang tagumpay si Deo sa gusto nitong iparating.

Linawin ko lang na hindi ko pa nakikita ang installation, nakita ko ito sa news, pero ayokong ibase dun ang pagtingin ko. At dahil nga sa pinatigil na ang exhibit ay wala na akong pagkakataon na makita ito.

Imposible na sa akin ang husgahan ito. Hindi na ako magiging objective.

Pero sa kapasidad ko, isa lang ang masasabi ko. May balls si Mideo. Pangahas nyang talakayin ang pinangingimiang banggain ng marami- Idolatry. Sa Webster ang definition nito ay The worship of a physical object as god.

Ako ay kristyano. Officer sa simbahan. Nagbabasa ng bibliya. Ipinapanalangin ko mula simpleng sipon at ubo hanggang sa kanser na dinaranas ng bayan.

Patawad sa mga katoliko pero naniniwala akong diyos diyosan ang mga imahe’t rebulto. At ang sabi nga sa bibliya na pagsamba sa diyos-diyosan ang pagsamba sa dyos na gawa ng tao.

“Ang aking Hesu Kristo ay hindi gawa sa kahoy at bato.

Hindi mahaba ang buhok at balbas sarado.

Hindi poster na maikakwadro.

Hindi pendant na ginto.

Hindi mai-ta-tattoo.

Siya ay Kristong buhay.

Sumusubaybay, kung gagamitin ko nang mahusay

ang pinahiram nyang buhay.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s