Wala pong Censorship sa KM64. Pramis.

Sa gitna ng talakayan namin sa KM64 hinggil sa plano naming ilabas na statement bilang pagtuligsa sa nangyaring censorship sa Kulô exhibit, Binulaga kami ng isang mala-blind item na status:

* Nasa krisis lang ba kaugnay ng isyu sa Freedom of Expression ang organisasyon ng mga manunulat-makata na kilo-kilometro na ang narating?

          Naalala ko tuloy ang sinensor nilang komento ko sa isang tula sa proyekto nila.

          Wag kayong pa-default. Lalo pa’t alam ninyong para kanino ang inyong mga akda at sining na isang uri paghahayag.

Diumano, naging instrumento ng censorship ang KM64; nagdelete daw kami ng isang komentaryo sa isang tula.

Kung nagkataon pala, mga ipokrito kaming ngangawa versus censorship pero ginagawa naman pala namin ito.

Una sa lahat, walong taon na ang KM64. Yahoogroup pa lang, hindi na naging practice ang pagbalewala sa opinyon ng iba. Never kaming nagdelete ng mga post, gaano man ito kalabo. Mula mga spam messages, nagtitinda ng condo, lean and fab something, mga tula tungkol sa pagkabasted, sa tae at sa kung ano ano pa ay hinahayaan lang namin matabunan.

Tahasan naming itatanggi na nagdelete kami ng comment.

Nabanggit ni Joel Malabanan na pwedeng magdelete ang kahit sinong naka-tag. Sinubukan ko, pero dalawa lang ang option; Report as abusive at Mark as spam. Hindi rin agad madedelete.

Ang naisip ko na lang, nangyayari talaga sa FB ang system error. Baka ito ang salarin. Kahapon na lang, sa bagong proyekto namin na Budget Cut. Nawala ang halos 50 tagged accounts na tinag ko mula sa FB mobile.

Ang sabi ng “na-sensor” na nagcomment, finollow up daw nya kung bakit nawala ang comment nya. Inabot ng dalawang buwan, na wala man lang sumagot.

Ihihingi ko ito ng paumanhin pero maipaliwanag ko lang sana kung bakit hindi ito nasagot.

Una, bilang isa sa mga nagbubukas ng account ng KM64, mahirap talagang subaybayan ang mga comments. Tatlong oras lang akong nakakapag-internet kada araw [dahil wala naman akong PC sa bahay at net connection]. Maglalayout ng mga ambag sa mga poetry project. Magta-tag.

Bukod dun ay may sari-sarili kaming account.

Hindi ko na talaga masisilip ang mga FB notifications. Kadalasan ay napakadami. Lalo nung mauso yung FB groups.

Mabubuksan lang namin ang account ng KM64 [http://www.facebook.com/kilometer64] pag magpopost ng announcement, ng pictures, ng mga tula. Kaya nga hindi namin ineencourage ang mga ambag na naka-tag lang o isesend lang as pm dahil hindi namin sure kung makikita namin ito.

Kung ikinasama ng loob ang “pagdedma” sa comment. Paumanhin.

Uulitin ko na lang, hindi kami perpekto; pero ang KM64 ay hindi nagdedelete ng mga posts, comments at puna sa FB.

Malinaw na malinaw pa rin sa amin ang aming tungkulin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s