Lumang Bag ng mga Nagsisiksikang Alaala

Kapag umuulan at walang magandang palabas sa TV, masarap buklatin ang lumang bag ng mga nagsisiksikang alaala.


Latebloomer ako sa larangan ng pagsusulat ng tula. Nauna akong mahilig sa pagbabasa ng mga gawa ng iba. Hindi ko pa kilala noon at hindi pa nila ako kilala, ginugupit ko na ang mga tula nina Mark Angeles, German Gervacio, Kris Berse at Kerima Tariman na lumalabas sa Sunday Inquirer Magazine.

Gusto ko tuloy kunin yung folder at tignan kung hindi pa kinakain ng anay.

Pero pasado ala onse na at patay na ang ilaw.


Madalas kaming magdate ni Roma sa Parks and Wildlife. Opo, sa panahon ng Eastwud Libis at boni global city; mas pinili namin ang katahimikan ng carabao grass habang kumakain ng pagkaing puro vetsin at dineletang juice.


Una kong nakita si Alex Remollino sa piketline ng Manila Midtown hotel. Nagrequest ako nun sa kanya na isulat naman sa Bulatlat.com ang laban ng mga manggagawa ng hotel versus Gokongwei.

Dumating si Alex, isang matangkad at singkit ang mga matang nakatakda kong maging kasabwat sa KM64.


Grade six ako noon. Malayo na ang narating ko sa panaginip nang pasukin kami ng nagwawalang kapitbahay na hinahabol ng mga taga-barangay. May dala siyang granada. Nagtago ako noon sa ilalim ng kumot habang nanlilisik ang matang tinitigan ako ng aming bisita.

Iniligtas kami ni Pards noon. Nagpambuno sila sa granada at naagaw nya. Natusok nya ng gunting ang lalamunan ng kalaban. Nang suriin sa crimelab ang granada, live grenade na nagkamali lang ng “pin” na natanggal.

Hindi ko iyon malilimutan, araw ng lunsod ng Maynila noon. Malakas ang ulan at kalahati lang ang bayad ng sine sa Isettan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s