NBI at Napukpok na Kamay

Painting day dapat today. Kung di nga lang napukpok ko ng martilyo ang aking hinlalaki habang gumagawa ng frame para sa canvas na ginagawa ko. At eto pa, yung nabili kong canvas cloth na nagmahal na, ay kapos. Super Kapos. So, nganga.

Mabuti na lang at nagawa ko ang tv. Opo. Nagawa ako ang tv namin. sa pamamagitan ng safety cover ng hiringilya na nakita ko, nabubuksan na ang tv [bagamat may kahirapan pa din]. Tamang tama, just in time para sa laban mamaya ng Bmeg Derby Ace Llamados at Rain or Shine.

Ilang araw din kaming di nakapanood ng tv, sabi ko nga kay mami kanina, isang linggo ata akong di nakapanood ng Eat Bulaga.


NBI day kahapon. Napakadaming tao. Ang sabi nung maintainance personel na naglilinis dun sa second floor, 5k daw ang quota kada araw. Sa bandang pinto, ay may matabang lalaki na suplado magtanong ang may hawak ng stat counter.

Napaka-kawawa ng itsura ng mga “pinalad” na makapasok at makapila. May tulala. May tulog. At may parang maiiyak na.

Nung isang araw, sa Rob Otis, napaka-konti ng pila. Wala pa nga atang limampung tao yun andun.

Nalimutan kong banggitin, alam mo bang may dresscode sa NBI? Bawal ang naka-shorts, tsinelas/sandals. At sa talino ng mga Pinoy, naisipan nilang pagkakitaan ang hindi pagsunod sa dresscode. Sa labas kasi ay may nagtitinda ng sapatos at pantalon.

Ayos di ba?

Malamang sa Lunes pa ako makapag-umpisang magpinta.

Sana enough na panahon para sa Dec3 deadline.

2 thoughts on “NBI at Napukpok na Kamay

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s