DOTA Tayo

Minsan, dapat talaga tinatago mo muna yung resibo ng ilang araw bago mo ito itapon. Kasi kung naitabi mo lang sana, hindi ka na sana bibili ulit ng bagong canvas cloth kasi mali yung sukat ng una mong binili, tama?

Makulimlim ngayong araw na ito. Parang uulan. Wag naman sana.

Dalawang magkaibang kwentong ospital ang madalas kong madinig. Yung isa, kay Roma. Madalas mga bigtime yung kay Roma. Mga pinagpalang magkasakit na may perang pampagamot.

Yung isa naman kay Mami.

May ministry sina mami sa Cosmo, Feed My Lamb. Pumupunta sila sa PGH, para magbigay ng pagkain sa mga dalaw/bantay ng pasyente tapos ay pinag-ppray nila yung maysakit.

Kalunos-lunos yung mga kwento ni mami. Kadalasan mga bata yung napupuntahan nilang ward. Mga may tubig sa ulo. May walang butas ang p’wet at iba pa.

Nung isang araw nai-kwento niya ang isang pasyente. Binatilyo daw. Ang bantay yung nakababatang kapatid. Cancer ata at kailangang i-chemo yung binatilyo. Yung tatay, naghahagilap ng pera. Ulila na sila sa ina.

Bigla kong naisip yung gaano ka-“swerte” yung mga binatilyo ditong naglalaro ng DOTA.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s