Sa ikalawang pagkakataon,
iniwan mo na naman ako.
Nung una, sinabi mo na manalig ako.
Walang pag-aalinlangan,
kinapitan ko ang pangako mo.
Parang verse sa bible.
Ni hindi ko tinanong
kung seryoso ka sa sinabi mo.
Ni hindi ko tinanong
kung kelan mo ito tutupadin.
Basta sapat na sa akin na sinabi mo ito.
Mananalig pa din ako.