Walang Kinikilingan?

Kahapon ko lang ulit naalala na si Etta Rosales (ng grupong Akbayan kung saan galing din si presidential adviser Ronald Llamas na nahulihan ng assult rifle sa kanyang sasakyan at nalitratuhan kamakailang namimili ng 2k worth na piniratang DVD’s) pa rin pala ang Chair ng CHR.

Ganito kasi, lumabas sa mga news program ng Ch7 ang interview kay Etta hinggil diumano sa paglabag sa karapatang pantao nang gulpihin ng driver at konduktor ang mga batang hamog na bumasag ng windsheild ng pinapasada nilang bus.

Nakakapanibago kasi matag tagal na tahimik ang opsinang ito kahit nagsusumigaw na ang mga paglabag ng karapatang pantao, for example na lang sa mga dispersal sa mga raliyista.

At isa pa, maaring may pagkakamali ang bus driver at konduktor, pero dapat din sigurong question’in ang news crew ng Ch7. Ang tagal kasi ng footage, kung totoong naniniwala sila na mali ang ginagawa ng driver at konduktor, sana inawat na nila at di na pinatagal pa.

Pinigilan daw naman nila, pero mas nanaig siguro yung pagnanais nilang makakuha ng eksklusibong kuha sa eksenang iyon.

At oo nga pala, wala nga pala silang kinikilingan.

http://www.gmanetwork.com/news/evideo/112092/pambubugbog-ng-bus-driver-at-konduktor-sa-dalawang-batang-hamog-hindi-makatao-ayon-sa-chr

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s