Finally, nakadalaw na ako sa burol ni Tsong Ed Manalo.
Masaya yung mukha niya sa kabaong niya. Kuntento sa naging buhay niya. Nabuhay siya na naglilingkod, lumilikha, naglalakbay.
Sa mga testimonial ng mga kaibigan, pede siguro natin i-summarize si Tsong Ed bilang “laging nandiyan”.
Sa buong panahon na nag-oorganize ako ng mga event, pinakasakit ng ulo ko yung mga umo-OK sa invitation pero sa actual, kahit anino ng kwelyo di mo mahagilap.
Iba si Tsong Ed.
Lagi siyang sumusulpot na lang. Nakakataka minsan na hindi naman siya napaabutan ng imbitasyon, pero andun siya. Tahimik na nanonood sa likuran, may hawak na Pale Pilsen.
May nabitin kaming proyekto ni Tsong Ed.
Tinutulungan niya kasi ang KM64 na mailathala ang ginawa naming libro ng mga tula para sa laban ng Hacienda Luisita.
Aktibong supporter ng mga taga-Hacienda Luisita si Tsong Ed. Isa siya sa mga naging susing tao para mailathala ang folio ni Tsong Gelacio Guillermo. Aktibo rin siya sa mga tripping ng mga visual artist at photogs sa Hacienda Luisita.
Isang malaking karangalan para sa akin ang “maabutan” si Tsong Ed sa panahong ito.
—
Loaded sa mga kaganapan ang linggong ito ng Nobyembre. Nag-aagawan sa atensyon ng mga pinoy ang sari-saring balita (korean star na bumibisita, kasal nina Zoren at Carmina, pagsayaw ng Gangnam ni Madonna etcetera).
Andiyan pa si AMALAYER gurl.
Sa daming distractions, wag sana nating malimutan, walong taon na ang nakakaraan- pitong manggagawang bukid ang pinaslang.
ever since nakilala ko xa sa tv? noon, hangang hanga na ako sa knya, msya ako nang malaman kong ipapalabas sa MMK ang buhay nya.. and i admire her even more… she has been my idol ang will always be.. sana makilala ko xa sa personal…….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows