LEAVE OF ABSENSE

Kahapon ginulat at ginalit tayo ng balitang nangamusta sa ating mga Facebook wall tungkol sa pagpapakamatay ng isang estudyante ng UP Manila. Ang nabanggit na dahilan (o isa sa mga dahilan) ay napilitan siyang mag-leave of absense, dahil hindi siya nakapagbayad sa takdang oras.

UP Manila po ito. State University.

Pag-aari ng pamahalaan na dapat ay kakalinga sa mga mamamayan nito. Para magpakamatay sa desperasyon ang isang labing-anim na taong dalaga ay sadyang nagpapakita kung gaano kalunos-lunos ang kalagayan ng eduksayon sa Pinas. 

Araw-araw ay nadadagdagan ang dahilan para ipanalo natin ang ating laban.

___

LEAVE OF ABSENSE
 
Isa-isang dumating ang mga bisita.
Walang imik at walang pangalan silang makikisalo sa hapag-kainan.
 
Mag-uunahan silang ubusin ang kani-kanilang gutom.
Hindi na niya uubusin ang laman ng pinggan.
 
Wala na rin siya mamayang tanghalian.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s