KRISTEL TEJADA

Kung di ka namin papangalanan,
Baka agad kang malimutan.
 
Kung mukha mo ay tatakpan,
Paano mayayanig ang kanilang konsensya’t katahimikan?
 
Hindi na ako hihingi ng paumanhin.
Walang pasintabing sasabihin.
 
Kristel Tejada, ito ang pangalang inalis nila sa listahan.
Kristel Tejada, ito ang pangalang binawalang makapasok ng pamantasan.
Kristel Tejada, ito ang pangalang pinagkaitan.
Kristel Tejada, ito ang pangalang hanggang sa kahuli-hulihan ay sinusukat at pinagdudahan.
 
Kami rin binabawalan.
Wag ka raw naming gamitin sa aming interes at laos na ipinaglalaban.
 
Hindi na ako magtataka kung ibahin na nila ang usapan.
Na isang araw lalabas na iba ang dahilan ng iyong kamatayan.
 
Pag-ibig na di nasuklian.
Isang minimithing pag-aartista na hindi mahawakan.
 
Isang araw sisisihin na ang iyong mga magulang.
Ang iyong adviser. Ang mga kakaklaseng hindi masandalan.
 
Sisihin nila ang sikip ng bangketa ng Padre Faura.
Sisisihin nila ang mga tindera ng silver cleaner.
Ang mga manufacturer.
 
Sisihin nila ang lahat
Maliban sa sistema ng eduksayon sa Pilipinas
na nag-abot sa iyo ng panlinis ng pilak.
 
Ang totong kamay na nagtulak
Para ituloy mo ang iyong balak.
 
Sa isa pang pagkakataon,
Hayaan mo ako na aking ulitin.
 
Kung di ka namin papangalanan,
Baka agad kang malimutan.
 
Kung mukha mo ay tatakpan,
Paano mayayanig ang kanilang konsensya’t katahimikan?
 
Hindi na ako hihingi ng paumanhin.
Walang pasintabing sasabihin.
 
Kristel Tejada, ito ang pangalang inalis nila sa listahan.
Kristel Tejada, ito ang pangalang binawalang makapasok ng pamantasan.
Kristel Tejada, ito ang pangalang pinagkaitan.
Kristel Tejada, ito ang pangalang hanggang sa kahuli-hulihan ay sinusukat at pinagdudahan.
 
 
Hindi ka na lamang mukha at pangalan.
Bahagi ka na ng ating ipapanalong laban.
 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s