Ang mga Nawawala

Things just disappear.

Pwedeng kunin sila ng mga black hole, sinkhole, bermuda triangle o ng mga engkanto. Pakaw ng hikaw, takip ng ballpen, strap ng bra, paminta, charger, bala ng stapler, medyas, salamin, yellowpad, pako, turnilyo, usb, screwdriver, liha, barnis, notebook na pinagsulatan mo ng mga umutang ng binebenta mong tshirt, kumot, kubrekama, kaparis ng tsinelas, punda ng unan, bag, stylus ng selpon, toothbrush, paintbrush, paboritong lapis, librong hindi mo matapos-tapos at di ma-umpisa-umpisahan, stored value ticket ng MRT, shades, slice ng pizza, canvas cloth, crayola, friendship bracelet na binigay ng crush mo nung hiskul pagkatapos ng baccalaureate mass, postal ID, resume, NBI Clearance, tinidor, breadknife, masasayang alaala, masasayang kwento, yung pakiramdam na may ka-holdinghands ka, yung pakiramdam na nakadapo yung labi mo sa pisngi ng muntik mo nang makasama habambuhay.

Bigla silang mawawala.

At isang araw, kapag hindi mo na sila hinahanap, makikita mo silang bigla-

sa ilalim ng nawawala mong unan, pinagbubuhol-buhol ng nawawalang sintas ng nawawala mong sapatos.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s