Nung isang araw, halos lahat na ata ng kandidatong konsehal ng 4th District ng Manila, dumaan sa street namin. Kung makakamusta, akala mo matagal na kami magkakilala. Tumaba ka ah? Kumusta na nanay mo? Ikaw na ang bahala sa akin ha? Ngayon ngayon lang, may umiikot na nagha-haws to haws para sa Kabataan Partylist at […]

Tsong Ed at Hacienda Luisita

Finally, nakadalaw na ako sa burol ni Tsong Ed Manalo. Masaya yung mukha niya sa kabaong niya. Kuntento sa naging buhay niya. Nabuhay siya na naglilingkod, lumilikha, naglalakbay. Sa mga testimonial ng mga kaibigan, pede siguro natin i-summarize si Tsong Ed bilang “laging nandiyan”. Sa buong panahon na nag-oorganize ako ng mga event, pinakasakit ng […]

OO, NASULSULAN LANG ANG MGA TAGA-SILVERIO

Oo, Mayor Florencio “Jun” Bernabe, nasulsulan lang ang mga taga-Silverio ng mga walang magawang dayo. Mga utak kuhol at isip ipis silang walang kakayanang mag-isip at magdesisyon para sa kanilang nagsisilaking mga anak. Mga immature silang ayaw maniwala sa kaunlarang inihahain ng ipapalit sa kanilang gigibaing dampa. Nalimutan nilang sa kasalukuyang kaayusan, mga kalat na […]

HABILIN

Matayog na bundok na pursigido at ubos- kaya nating sinisikap patagin ang iyong inihabilin sa amin nang iyong tanggapin, finally, ang bakasyong buong panahon mong ipinagpaliban. At karangalan naming durugin ang unang batong masasalubong namin sa daraanan. *** kay ka Roger

Pangarap

Ikukwento ko sana kung paano ako sinalubong ng mga pulang letrang SMART ALL STAR TICKETS SOLD OUT nang tangkain kong makita kahit sa pinakamalayo sina Kobe Bryant at Kevin Durant kanina na nauwi sa tanghaliang Paborito Meal #2 ng Mang Inasal dahil inanod ata ng malakas na ulan ang mga scalpers na huling hantungan naming […]