KUNG AKALA MO NA NAKIKIUSO LANG KAMI SA BUONG MUNDO

Hindi ito parang dahil wala tayong magawa kaya tara punta tayong Mogwai, nomnomnomtambay. Hindi ito parang dahil walang internet sa bahay kaya tara check-in tayo sa SOGO Pasay. Hindi ito parang dahil ang ganda ng buhok ng isang Occupy wallstreet Protester kaya tara punta tayong Recto maki-occupy Mendiola din tayo, wag mo kalimutan ang camera […]

KB24 at kung nasaan ang Southwing at Kalayaan

Parang nakasakay sa rollercoaster yung mensahe ko para sa tatlong author ng Himno ng Apoy sa Gubat ng Dilim, naiilang ata ako sa dami ng nagpapaypay o napadami siguro yung nailabas kong pawis kakafigure out kung nasaan ang southwing AVR. Maaga akong nagising nung araw na yun. Feeling welcoming committee sa pagdating ni Lakers star […]

Haranang Bayan

Hindi ko na nadatnan ang antok nung makauwi ako ng bahay. Naiwan ata sa Taumbayan bar kung saan ginanap ang Haranang Bayan: Panata sa Kalayaan ni Ericson Acosta. Hirap kasi kasi akong matulog na hindi naliligo ulit. Nung gabing yun dala ng init at pagod, hindi ko na rin kinayang pumunta ng banyo. Nagpalit ng […]

Bakanteng Silya

Patapos na ang aming maikling programa sa piketlayn ng mga taga-ABSCBN -IJM nung makatanggap ako ng text na pabiyahe na sa Episcopal Church ang ilan sa mga pinalayang health worker mula sa Morong 43. Bagamat walang idea kung ilan, o kung sinu sino ang mga napalaya, naexcite na akong tumulak doon. Bago namin lubos na […]

Ipuipo sa Piging

Uumpisahan ko ang imbitasyon sa pagsasabing, karangalan ko ang mapasama sa hanay ng mga makata at manunulat na narito sa antolohiyang ito. Sa lunes, ilulunsad na ang Ipuipo sa Piging. Isa itong antolohiya ng mga tula at sanaysay mula sa 32 manunulat na sinasabing nagrerepresenta sa magkakaibang henerasyon ng mga manunulat sa Pinas. Tampok dito […]

Daan Pauwi

Lalakadin ko ang daan pauwi. Patawid sa dating mga tinatawiran. Kukumustahin kung gaano na katangkad ang mga halaman. Magugutom at mauuhaw. ___ Habang nilalagom ng bawat isa sa Commonwealth ang SoNA ni Noynoy Aquino, ipinagtatanggol namin ang isang batang pinagtutulungang bugbugin ng mga batang lansangan. Dayo daw kase ang batang ito, taga Batasan. Antatapang ng […]