Grade IV

May lugar pala sa Pilipinas na hanggang Grade 4 lang ang itinuturo. Yung pinakamalapit na eskwelahang may Grade 5 ay sa kabilang bayan. Tawid-dagat. Pag natapos mo na ang Grade 4 at gusto mo pa mag-aral, pumasok ka ulit sa Grade 4. Next year, kung wala kang pambili ng jet ski, mag-Grade 4 ka ulit […]

Bagyo-Bagyo

Sa totoo, ayoko na talaga magreklamo tungkol sa mabagal na internet, kasi mas marami pang may mas malaking problema kaysa dito. Gaya na lang ng mga manggagawa ng NXP na tinanggal sa trabaho, yung mga nag-aani ng abaca matapos ang ilang buwan tas kikita lang sila ng 80pesos, yung mga kababayan nating inaasinan lang yung […]

Ladie’s Day

May pilikmata akong nakita sa page 23, Chapter 3 ng The Bell Jar. Tiyak kong hindi ito akin sapagkat ngayon ko pa lang ito bubuklatin. Hindi rin ito sa nagkakapeng si Esther, o kay Doreen na may hangover. At mas lalong hindi kay Sylvia, ang babaeng nasa cover. At dahil hindi ito akin, hihipan ko […]

Goldfish

Bago umalis si Mami kanina papuntang simbahan para sa midweek service, andami niya binilin sa akin. Yung mga ulam na iinitin, at kung saan bibilhin yung bigas. Eto, wala ako maalala. Hindi ko natandaan kung saan yung tindahan na sinabi niya na maganda ang bigas. Iniisip ko kung dito sa kapitbahay namin o sa Plaza […]

Ang mga Nawawala

Things just disappear. Pwedeng kunin sila ng mga black hole, sinkhole, bermuda triangle o ng mga engkanto. Pakaw ng hikaw, takip ng ballpen, strap ng bra, paminta, charger, bala ng stapler, medyas, salamin, yellowpad, pako, turnilyo, usb, screwdriver, liha, barnis, notebook na pinagsulatan mo ng mga umutang ng binebenta mong tshirt, kumot, kubrekama, kaparis ng […]

Cagayan

paano mo ba pawawalan, ang isang taong muntik mo nang makasama habambuhay? paano sasambitin ang paalam? kung ang totoo’y ayaw mo rin siyang lumisan? sapat na bang sabihing- “karangalan kong ihatid ka sa iyong pupuntahan.” o, “lagi kang mag-iingat sa iyong lalakaran.” hindi kita pwedeng pigilan. walang pwede. pagkat tulad mo’y isang bulaklak- di pwedeng […]

Yeboy

Last year, nakapila ako sa foodcourt ng CSB. Nakapulot ako ng 100 pesos. Nakasandal sa mga tray. Sa dami ng tao, ako lang ang nakakita? O baka naman para sa mga pinagpalang batang ito, ang 100 pesos ay barya? Pero bakit dun sila kumakain? Anu’t anuman, May mga bagay lang siguro na nakalaan para sa […]